Discipline: Education, Art, Sociology, Cultural Studies
Sinasabing may mahalagang papel ang naratibo sa pagbuo ng realidad at identidad ng bata. Sa kasalukuyan, ang daluyan ng mga naratibong ito ay ang mga advertisement. Sapagkat ang mga magulang ang siyang may pangunahing tungkulin sa pagsasalin ng kaalaman sa mga bata, sinuri ng papel na ito ang ilang print ad na madalas nilang basahin.
Mula sa pagsusuri ng 98 print ad ng Philippine Daily Inquirer (PDI) na lumabas mula Enero hanggang Abril 2005, apat na pangunahing naratibo ang natukoy: (a) naratibo ng pamilya, (b) naratibo ng pag-unlad at pagsasarili, (c) naratibo ng takot at pagkabahala, at (d) naratibo ng seguridad at pag-asa. Upang mailahad ang mga ito, pumili ng dalawa o tatlong ad na siyang kakatawan sa bawat naratibo. May mga pagkakataong tatalakayin din ang iba pang print ad upang mas mailahad ang ideya.
Sa pagsusuri, apat na naratibo ang natukoy: (1) pamilya, (2) pag-unlad at pagsasarili, (3) takot at pagkabahala, at (4) seguridad at pag-asa. Nakita rin na may kaugnayan ang mga naratibong ito sa dalawang yugto ng sosyalisasyon ng bata na nakaangkla sa nosyon ng pagkonsumo.