Discipline: Art, Sociology, Cultural Studies
Isang malaking hamon ang "sports" sa mga "news editor" at "reporter" ng "tabloid" ang mapanatili nila ang diwa at mensahe ng mga artikulong kanilang nililimbag araw-araw dahil sa limitasyon ng wikang ginagamit sa pagkukuwento ng mga"pangyayari" sa mundo ng "palakasan" (sports events) na banyaga sa ating kultura. Sa salpukan ng magkabilang mundo, ang wikang "Filipino" at "sports events" na nanggagaling sa ibang bansa, lumilitaw ang atityud ng mga tabloid sa paggamit ng wikang pinayayabong sa mga suliraning kanilang hinaharap sa pagsusulat ng mga artikulong pang-isports.
Ang hamong ito ay matatapatan kung ang bawat tabloid ay may sinusunod na pamamaraan o estilo sa pagsusulat; panghihiram at pagsasalin ng wika. Natatangi ang "sports" bilang bahagi ng isang pahayagan dahil sa kakaibang kalikasan ng pamamaraan ng pagbabalita rito tulad ng pagsusulat sa wikang naiintindihan ng marami. Ang malaking katanungan ay kung tapat ba sila sa pagsasalin ng tunay na diwa at mensahe gamit ang ating wika. Inaakala marahil ng mga tabloid na nagagampanan nila ang tungkuling ito dahil walang nangyayaring pagtutol mula sa mambabasa. Dahil wika ang ginagamit sa proseso ng komunikasyong umiiral sa larangang ito, mahalagang pagtuunan ng pansin ang atityud ng pagsasaling wika na ipinapakita ng mga tabloid sa seksyon ng sports.