Discipline: Education, Art, Sociology, Politics, Cultural Studies
Gamit bilang lunsaran ang ilang bahagi ng Primo Viaggio Intorno al Mondo ni Antonio Pigafetta bilang seminal na akda ng 'pagsasalba' ng katawan sa Pilipinas, sisiyasatin ng papel na ito ang 'pagsa-salita' ng katawan sa dalawang textong popular: sina Big Brother at Boy Bastos. Sa daloy ng pag-aaral, tatangkaing sagutin ng papel ang mga sumusunod na tanong: 1) Bakit sa katawan natin ipinoposisyon ang represyon?; 2) Paano nagaganap ang pagpoposisyon ng represyon sa katawan?; at 3) Ano ba ang katawan na tinutukoy natin sa ganitong pagpoposisyon ng represyon? Sa pamamagitan ng dekonstruksiyon sa produksiyon at reproduksiyon sa mga texto ng katawan kina Big Brother at Boy Bastos, ipapakitang hindi magkasalungat at imbes ay magkaibang mukha lamang sila ng iisang proseso ng "pagsasalba ng katawan."