HomeMALAYvol. 20 no. 1 (2007)

Ang Mundo ng Online Game: Realidad ng Adiksyon at Pagtatanghal ng Bagong Mundo at Kaakuhan

Rhoderick V. Nuncio

Discipline: Education, Art, Sociology, Politics, Cultural Studies

 

Abstract:

Kailangang bagtasin ang landas patungo sa virtual na mundo ng Internet, lalo na sa nakahuhumaling na online game. Gamit ang serbey, interbyu, textual/visual na analisis, at kritikal na pagdalumat, sinuri ang larong Ragnarok at ang implikasyon nito sa pagbubuo ng bagong mundo at kaakuhan ng mga kabataan sa ngayon. Binigyang-diin din ang diskurso ng adiksyon sa mga online game at kung paano nito nililikha ang isang realidad na linyar na sumasaklaw sa aktuwal na realidad ng mga tao. Hinimay ito gamit ang iba't ibang texto ng analisis mula mismo sa Internet at pinalutang ang ispektakulo ng pelikulang Matrix para usisain ang magkaulayaw at nag-uumpugang mundo ng aktuwal at virtual.