HomeMALAYvol. 22 no. 1 (2009)

Ekonomiks sa Diwang Pilipino: Halo-Halo, Tingi-Tingi at Sari-Sari

Tereso S. Tullao Jr.

Discipline: Languages, Filipino Language

 

Abstract:

Intensyon ng pag-aaral na ito na makapag-ambag sa pagpapaunlad ng wikang Filipino upang lalong mapabilis ang intelektwalisasyon nito. Marapat lamang sundin, hamak man, ang mga katangi-tanging sulatin na pinasimulan ng mga Pilipinong propesor tulad nina Nicanor Tiongson, Virgilio Enriquez, Emerita Quito, Wilfrido Villacorta at Isagani Cruz na gumamit ng wikang Filipino bilang instrumento sa pagsusuri, paglilinaw at pagsasaayos ng mga konseptong naglalarawan ng ating katauhan, buhay at lipunan.

Sa sanaysay na ito ay tinalakay at sinuri ang limang pangunahing konsepto sa ekonomiks sa diwang Pilipino. Ang layunin ay hindi lamang upang makapagbigay ng panimulang introduksyon sa isang mahalagang sangay ng agham panlipunan kung hindi gamitin ang kaalamang ito sa paglutas ng pangunahing problemang pangkabuhayan at pangkaunlaran.

_____

The intention of this study is to contribute to the development of the Filipino language so that the intellectualization will be intensified. It's just right to follow, then, the distinct writings which were established by Filipino professors like Nicanor Tiongson, Virgilio Enriquez, Emerita Quito, Wilfrido Villacorta and Isagani Cruz who uses the Filipino language as instrument of analyzing, clarifying, and arranging the concepts that describe our identity, life and society.

Discussed and analyzed in this essay are the five primary concepts of economics in the Filipino consciousness. The objective is not only to give a prior introduction to an important branch of social science but to use this knowledge in solving the primary problem in livelihood and development.