HomeMALAYvol. 23 no. 1 (2010)

Panahunang-Tawiran: Ang Tawirang Pag-aakma ng mga Sambal Ayta sa Pabago-bagong Panahon

Ma. Teresa Guanzon De Guzman

Discipline: Social Science, Anthropology, Cultural Studies, Cultural Ecology

 

Abstract:

Layon ng pag-aaral na ito na talakayin ang diskurso ng tawirang pag-aakma sa pabago-bagong panahon na halaw sa karanasan ng mga Ayta sa Zambales hinggil sa epekto ng isang sakunang nagpabago ng kanilang kasaysayan, tradisyon at pamumuhay, ang pagputok ng Bulkang Pinatubo noong 1991.Gamit ang metodo at lenteng analitikal ng etnograpiya, sinubukan nitong pag-aaral na suriin kung paano nakihamok at nakipagsapalaran ang mga Ayta sa sakunang dulot ng kalikasan, kung paano nila binigyang-kahulugan ang pang-araw-araw nilang pamumuhay sa nilikasang bagong lugar at sa puwersadong iniwanang lugar. Sinubukang bigyang-linaw ng pag-aaral na ito ang emikong konsepto ng mga Ayta sa “banwa” at “baytan” bilang pagsasakategoryang ginamit ng mga Ayta sa pagtawid sa Loob-Bunga (bilang “banwa”) at pagbalik upang muling itayo ang dating lugar, ang Moraza (“baytan”), dalawang mahalagang lugar na kanilang tinatawid bilang estratehiya sa pag-aakma sa pabago-bagong panahon, ang panahunang-tawiran (seasonal migration o mobility), tungo sa kanilang patuloy na pakikihamok upang mabuhay. Ang pag-aaral na ito ay isang kontribusyon sa cultural ecology at culture change theory, mga mayoryang teorya ng antropolohiya.

_____

This study aims to tackle the discourse on seasonal migration or cultural mobility drawn from the experiences of the Aytas of Zambales vis-à-vis the effects of a major disaster that dealt a significant change in their history, tradition, and way of life, the 1991 Mt. Pinatubo eruption. Using the method and analytical lense of ethnography, this study examines how the Aytas are able to grapple and struggle with the disaster brought about by nature, how they put meaning to their daily lives to the new environment (where they evacuated) and to the old environment (where they were forced to leave). This study attempts to probe the Aytas emic concept of “banwa” and “baytan”, categories they constructed to define their crossing-over to Loob Bunga (as banwa) and their rebuilding of their place of origin,Moraza (as baytan), two important spaces they straddle to and from for their ecology-driven survival strategy, the so-called seasonal migration or cultural mobility, in their continuing battle for cultural survival. This study contributes to cultural ecology and culture change theory, major theories in anthropology.