HomeMALAYvol. 23 no. 1 (2010)

Mahirap ka na nga, Malulungkot ka pa, Mas mahirap ‘yon! Pagiging Masayahin at Paraan ng Pag-agapay ng Karaniwang Pamilyang Filipino sa Harap ng Hirap

Roberto E. Javier Jr.

Discipline: Social Science

 

Abstract:

Isinagawa ang pagtatanung-tanong sa ilang piling lugar sa Kamaynilaan noong Agosto 2008 bilang bahagi ng hinihingi sa kursong Sikolohiyang Panlipunan. Itinanong ng mga estudyante ng sikolohiya sa mga naging kalahok na mga maralitang taga-lungsod sa kanilang mga umpukan ang kahulugan ng kaligayahan, kung ano ang nagdudulot ng kasiyahan pati na ang mga paraan upang sila ay maging masaya. Isinaayos ang mga natipong sagot sa pamamagitan ng pagpapangkat ayon sa pagkakatulad ng mga sinabi. Inisa-isa ang mga sinabi at inihanay kung saan dapat na pangkat kasali ang sagot. Ang mga pangkat ay nabuo ayon na rin sa pinapaksa ng mga naging tugon sa mga tanong. Sa simula, isinasagawa ang pagpapangkat sa mga magkakatulad na sagot/salita/sinabi mula sa isang set ng datos. Matapos ang panimulang paghahanay ay inisipan ng paksa ang mga ito upang siyang magbuo sa mga natukoy na pangkat ng mga sagot. Ang nalikha sa isip na paksa ay pagpapakahulugan mismo sa mga hayag na kasagutan ng mga kalahok. Inulit sa lahat ng natirang iba pang mga set ng datos ang paghahanay, pagpapangkat, pagsali sa naisip na paksa, at kung mayroong hindi maihahanay sa mga naunang nabuong pangkat ay ginawan din naman ng iba pang paksa ang mga ito. Nilapatan ng paliwanag ang mga umiiral na paksa ayon sa literatura at sariling haka na rin. Ilan sa mahahalagang paksa ay may kinalaman sa pagdama ng ligaya, pagdanas ng sarap, at paraan sa pagsasaya ng mga maralitang pamilyang Filipino. Nakapagpapaisip ang pagtukoy sa paghahanap ng dahilan upang maging masayang lagi bilang pagagapay na rin at pagharap sa hirap ng buhay. Nakahahagilap ng mga paraan upang maibsan ang bagot at lungkot na dulot ng hikahos at kapos na buhay. Sa kanilang kantahan o kuwentuhan ay laging may kaunting salusalo dahil sama-sama sa piling ng pamilya o kaibigan. Ayon sa kanila, lalo sanang masarap mabuhay kung hindi sadlak sa hirap. Hindi naman kailangan ng karangyaan sapagkat may kasiyahan na kung may napagkakasya. Nasa pagkatao ang pagkamasayahin na pinatitibay ng pagsasama-sama. Buo ang loob na humarap sa hirap basta magkakasama ang mga magulang at mga anak, magkakalapit ang loob sa mga kasama sa trabaho, may pakikipagkapwa, at higit sa lahat may pananalig sa Maykapal.

_____

“Asking around about happiness” was a project by students who were completing a term-end requirement for the course Social Psychology. Using the guide for fieldwork, they conducted “pagtatanung-tanong,” roughly translated as ‘asking around’ (indigenized interview) in selected cities in Metro Manila in August 2008. In natural clusters of urban poor, the students asked about the meaning of happiness, and about those that bring gladness as well as how they generate joys in life to make them “adapt” to socio-economic and politically created hardships in living such as poverty. The data generated from “pagtatanung-tanong” were analyzed by grouping similar phrases/statements (answers). Initial grouping of phrases/statements was done on some data sets. The data grouped together was then given meaning to form the themes. The remaining data sets were subjected to the same step. If there are other strands of data that can be grouped with a different meaning, then another theme is added. The themes constructed through interpretation were explained using the available literature as well as the insights derived from the data. Thus dominant themes are about feeling the joys of life, experiencing pleasures, and modes of merry-making among urban poor Filipino families. Interestingly, they are able to adapt to difficult circumstances as living in poverty by “resourcing” from the routines of life, happiness. They invent solutions to such social stressors as poverty that triggers sadness to cushion its impact. In their daily living activities, e.g. group singing or “gossip sessions,” they always have food to share with their family or friends. They need to be happy in order to survive the harsh realities of poverty but they are more hopeful about living a better life, in that “having just enough” to live a dignified existence will bring them not only happiness but joy. Being happy is a disposition strengthened by social relationships. With a happy disposition, one can face squarely the challenges of life especially when there is family support, when there is camaraderie in the workplace, when there is “pakikipagkapwa,” and above all when one has faith in an almighty being.