Discipline: Literature, Social Science, Sociology
Inalam at kinilala sa saliksik na ito ang tinig ng bata ukol sa usapin ng kapayapaan sa panitikang pambata. Gamit ang kuwento na daluyan ng pagpapahayag ukol sa karahasan at kapayapaan sa isang focus group discussion, inalam ang iniisip at saloobin ng mga batang hindi dumaranas ng direktang karahasan. Kuwentong katha ng mga bata ang isa pang batis na pinaghanguan ng pagharaya ng bata kaugnay ng paksa ng kapayapaan sa pamamaraan ng kritisismong pampanitikan. Gumabay sa pagsusuri ng datos ang mga konsepto ng positibo at negatibong kapayapaan, ang dalumat ni Galtung sa konsepto ng estruktural at kultural na karahasan at relasyon ng mga ito sa direktang karahasan tulad ng digmaan na mahalaga sa pagdalumat sa kultura ng kapayapaan at ang pagdalumat sa Sikolohiyang Filipino. Magkaisa ang malakas na pita para sa kapayapaan ng mga batang hindi dumanas ng direktang karahasan at ng mga batang sundalong dumanas ng digmaan. Sa kabuuan, naihihimatong sa pag-aaral na ito ang malaking potensyal ng katha ng mga bata dahil sa natukoy ditto ang mga katangian ng kanilang pagkatha na maaari pang pagyamanin upang maging ahensya ng edukasyong pangkapayapaan ng kapwa bata.
_____
This is a study on the perspective of children on peace in children’s literature. Children with no direct experience of physical violence and war expressed their views in a focus group discussion using storytelling as a venue, both for identifying their responses to the stories and for expressing their own thinking and feeling about peace and violence. Another source for identifying children’s perspective are stories authored by children and published by non-mainstream publishers. Close reading of these texts also reveal children’s thinking and feeling about the subject. Galtung’s conceptualization of violence, both structural and cultural and their relations to physical violence, as well as concepts from Sikolohiyang Filipino frame the analysis of this study. There are strong indications that children who experienced direct and non-direct forms of physical violence strongly reject them. Corollary to this, these children dream of and imagine a peaceful society in which to grow up. This study also suggests that stories written by children have a great potential for peaceeducation, which remain to be fully explored.