Discipline: Literature, Philippine Literature
Gamit ang ekokritisismo, sinusuri dito ang mga tulang Bikolnon ukol sa bagyo, upang pansinin ang tugon ng literati sa pagbago ng klima. Pangunahing motif ng mga tula ukol sa bagyo ang pagbagunas at paglaom (matinding paglinis at pag-asa). Romantisista at idealista ang mga konseptong ito dahil ipinapalagay na may salinlahi para sa bawat tao, di-tao o bagay na sinisira sa mundo. Kailangan pa ring pag-aralan ng mga eko-makata kapuwa ang agham at sining, upang linawin ang batayan sa agham ng tula, at mapataas at mapatalas ang antas ng sining ng tula. Sa gayo’y matitimbang nang mabuti ang paksa, adbokasya, sining, at ugnayan ng mga ugnayan upang maisulong ang mahusay na ekopanulaan.
This is an ecocritical study of the creative response of Bikol poets to climate change, particularly to the phenomenon of storms in the most storm-visited region of Bikol. Primary motifs in the poems are cleansing and hope (pagbagunas at paglaom). These concepts are romanticist and idealistic because they assume that for each human, non-human, and object destroyed in the world, new life will spring. The Bikol ecopoets have to study both science and art, to clarify the scientific basis of their poems, as well as raise and sharpen the level of artistry of their work. In that way, they can produce ecopoetry that will balance advocacy and art, thereby contributing to effective consciousness raising about climate change.