HomeMALAYvol. 24 no. 1 (2011)

Ang Pagbasa ng Dalawang Babae sa Nobelang Isang Babae sa Panahon ng Pagbabangon o Kung Paano Dapat Basahin si Efren Reyes Abueg = A Reading of Two Women of the Novel Isang Babae sa Panahon ng Pagbabangon or on How to Read Efren Reyes Abueg

Dolores R. Taylan

Discipline: Literature, Philippine Literature, Filipino Literature

 

Abstract:

Maaaring mangyari na ang dalawang mambabasa, pareho man ng kasarian at propesyon, ay magkaroon ng magkaiba at magkahiwalay na opinyon at interpretasyon sa iisang akdang kanilang binasa. Katulad ng nangyari sa awtor at sa kaniyang kapuwa-babaeng guro na parehong bumasa ng iisang nobela at sa huli ay nagkaroon ng magkaibang opinyon sa kanilang binasa. Tinalakay sa papel na ito ang naging pagbasa ng awtor sa nobelang Isang Babae sa Panahon ng Pagbabangon ni Efren Reyes Abueg. Inilahad din ang naging iba at taliwas na pagbasa sa nasabing nobela ng isa pang babaeng gurong gaya niya. Sa huling bahagi ng papel, tinurol ng awtor kung paano nga ba ang dapat na maging pagbasa sa nobela ni Abueg. Ito ay ayon na rin sa resulta ng panayam ng awtor sa nobelista.

Reading a literary piece is always subjective, that no two people, despite belonging to the same profession and gender, can read a text exactly the same. The author tackles how one novel elicited varying opinions and interpretations from her and another female colleague. The author discusses in this paper her own interpretation of the novel Isang Babae sa Panahon ng Pagbabangon by Efren Reyes Abueg. In addition, she compares and contrasts her reading of the novel to that of her female colleague. At the end of the paper, the author provides the readers a prescribed way of reading and interpreting the said novel based on her interview with the novelist himself, Efren Reyes Abueg.