Discipline: History
Sa pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas, ang tradisyon ng anti-imperyalistang rebolusyon (di man litaw o kusang kinaligtaan) ay siyang gumagabay sa analisis ng bawat pangyayari sa lipunan. Walang telos o linyadong balangkas ito sapagkat determinado ng masalimuot na kontradiksiyon ng relasyong sosyal at materyal na produksiyon. Sa bisa ng pag-unawa at kolektibong pagpapasiya, nababago ang direksiyon at tempo ng daloy ng kasaysayan. Naipapaliwanag ang hegemonya ng neokolonyalismo sa pagsusuri sa ideolohiyang neoliberal na umuugit sa kilos, damdamin at hangarin ng mass konsumer. Kailangang sipatin ang komoditi fetisismo’t indibidwalismong mapanghamig. Sa proseso ng kritika, gumagana ang diyalektika ng obhetibong sirkumstansiya at subhetibong puwersa ng mga uring nagtatagisan. Samakatwid, may espasyo ng kalayaan ang masa, ang magkabuklod na mga indibidwal, upang palitan at baguhin ang mga institusyon, gawi, estruktura ng pakikipagkapwa, atbp. Ang kasaysayan at kultura ng Pilipinas ay likha ng pagsisikap ng sambayanang makamit ang soberanya, tunay na kasarinlan, at kalayaan mula sa paghahari ng kapitalismong global, partikular ang imperyalismong U.S., mga korporasyong dayuhan, at oligarkong kasabwat nito.
In studying Philippine history, the tradition of anti-imperialist revoution (whether visible or deliberately erased) is what informs the analysis of every social occurrence. No telos or linear outline is posited because each event is determined by complex contradictions between social relations and material production whose effects cannot be precisely calculated. By virtue of attempts to comprehend the meaning of events and intervene at opportune moments, we can change the direction and tempo of historical transformations. We can elucidate neoliberal hegemony by analyzing the ideology that motivates acts, sentiments and aspirations of mass consumers. We need to diagnose the norms of commodity fetishism and possessive individualism. In the process of critique, one can discern the dialectics of objective circumstances and subjective forces operative in class struggle. Thus the masses acquire a space of freedom to change institutions, modes of conduct, structures of personal interaction, etc. Philippine history and culture are fashioned by the collective effort of citizens to win sovereignty, authentic independence, and liberation from the dictates of global capitalism, in particular U.S. imperialism, foreign corporations, and the local oligarchy conniving with them.