Discipline: Sociology
Layunin ng papel na ito na unawain kung paano nabubuo ang mga perspektiba hinggil sa aborsiyon sa Pilipinas buhat sa mga itinuturing ng mananaliksik na diskursibong teksto (alalaumbaga, mga tekstong naglalatag ng argumento batay sa katwiran at hindi batay sa mabilisang paghusga gamit ang palagay o hinala). Sinisimulan ang pag-aaral sa taong 1864 kung kailan inilimbag ang Urbana at Feliza ni Padre Modesto de Castro at tinatapos sa taong 1930 nang rebisahin ang Kodigo Penal na ipinatutupad sa Pilipinas. Sinadyang piliin ang dalawang akda bilang simula at hangganan dahil impluwensiyal sa Kristiyanisadong lipunang Pilipino ang akda ni De Castro bilang “aklat para sa magandang asal” samantalang ginagamit pa hanggang ngayon sa Pilipinas ang Kodigo Penal na nagtatakda sa aborsiyon bilang krimen. Sa pagitan ng dalawang hangganang ito nakapook ang ibang mga akdang may hayag na iba’t ibang nakakatawag-pansing perspektiba ukol sa aborsiyon. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, inaasahang maipopook at masusuri ang mga kasalukuyang talakayan at/o debate kaugnay ng aborsiyon batay sa kaligirang pangkasaysayan.
The purpose of this paper is to understand how perspectives on abortion in the Philippines were framed based on what the author considers as discursive texts (that is, texts that set forth arguments based on conscious reasoning). The year 1864 refers to the publication date of Urbana at Feliza written by Fr. Modesto de Castro. Urbana at Feliza became an influential “book of conduct” that even matters concerning pregnancy were discussed using the teachings of the Catholic Church. This study ends with the year 1930 when the Revised Penal Code was enacted. The Revised Penal Code criminalizes abortion in the Philippines. Between these two turning points are other texts that reveal varying perspectives on abortion. Through this, we can situate contemporary discussions and/or debate regarding abortion based on historical circumstances of which it can be fully understood and assessed.