Discipline: Sociology
Layunin ng papel na ilarawan ang K-U-L-T-U-R-A ng dalawang ina tungkol sa naging karanasan nila sa problema ng pagbaha sa Brgy.Aplaya, Lungsod ng Sta. Rosa, Laguna. Ginamit ang metodong etnograpiya sa pagkalap ng datos sa paraang trayadik na integrasyon-obserbasyon-at-dokumentasyon o TRIOD. Sinuri ang mga datos batay sa minodipikang konsepto ng ‘loob’ ni Fr. Albert Alejo, SJ, binalangkas ang Abot-Malay, Abot-Dama, at Abot-Kaya ayon sa akronim na K-U-L-T-U-R-A upang talakayin ang paksang kalamidad na pokus o tuon ng papel na ito. Nakapaloob sa (1) Abot-Malay ang kaalaman o kahandaan sa panahon ng kalamidad, pagtukoy sa ugat ng problema at paglalarawan sa lagay o sitwasyon ng pamayanan; samantalang (2) ang Abot-Dama ay tungkol sa tibok ng puso o pakiramdam at ugaling naipamalas sa gitna ng kalamidad; habang nakatuon (3) ang Abot-Kaya sa reaksiyon upang pansamantalang makaraos sa panahon ng kalamidad at sa angking pagkilos na batay sa kanilang personal na mga pagpapahalaga’t paniniwala upang tugunan ang mga pinsalang dulot ng kalamidad sanhi ng kalikasan o gawa ng tao.
The paper aims to describe the K-U-L-T-U-R-A of two mothers regarding their experience on the flooding problem in Brgy. Aplaya, Sta. Rosa City, Laguna. The method of ethnography was utilized in data gathering through the triadic technique on integration-observation-and-documentation or TRIOD. The data were analyzed based on modified concept of ‘loob’ (inner core) of Fr. Albert Alejo, SJ, it operationalized ‘Abot-Malay’ (consciousness), ‘Abot-Dama’ (disposition), and ‘Abot-Kaya’ (engagement) according to the acronym K-U-L-T-U-R-A in order to discuss the issue of calamity that is the focus of this paper. The (1) Abot-Malay (consciousness) includes ‘kaalaman o kahandaan’ (knowledge or preparedness) in times of calamity, identifying the ‘ugat ng problema’ (root cause of the problem), and describing the ‘lagay ng pamayanan’ (situation in the community); while the (2) Abot-Dama (disposition) is about ‘tibok ng puso’ (feelings) and ‘ugali’ (attitude) in the midst of calamity; and the (3) Abot-Kaya (engagement) focuses on their ‘reaksiyon’ (reaction) to adapt temporarily during the calamity and ‘angking pagkilos’ (committed action) based on their personal values and/or beliefs to respond to damages caused by natural and man-made calamities.