Atoy M. Navarro | Alvin D. Campomanes
Susing salita: History, Humanities, Journalism, Social Sciences, Mass Media Studies
Sa artikulong ito, lalapatan ng mapanuring pagsasaling bayan ang “The Aquino Papers†(TAP) na unang inilathala sa The Bangkok Post noong Pebrero 21-23, 1973. Tumutukoy ang mapanuring pagsasaling bayan hindi lamang sa simpleng pagsasalin at pagbibigay-anotasyon o pamamatnugot at paglilimbag ng kasulatan, kundi sa malawakan at malalimang pagsasalin, pagsasakonteksto, panunuri, paglalathala, at paglilimbag para sa bayan, sa wika ng bayan. Samantala, tumutukoy naman ang TAP sa manuskrito, tinawag na “situationer-memo,†na sinulat ni Sen. Benigno “Ninoy†Aquino Jr. habang nasa kulungan siya, na nagawang maipuslit palabas ng Pilipinas at mailathala bilang “world-exclusive†ng The Bangkok Post sa Thailand sa kasagsagan ng Batas Militar. Sa sanaysay na ito, gamit ang kritikang kontekstwal, ipopook ang TAP hindi lamang sa mga kaganapan sa Pilipinas kundi sa ugnayang Pilipino-Thai sa larangan ng pamamahayag. Salalayan ang kritikang tekstwal, kokomentaryohan at susuriin din ang ilang mahahalagang pangyayaring pangkasaysayang binanggit sa TAP. At tungtungan ang kritikang intertekswal, iuugnay ang TAP sa iba pang mahahalagang lathalain sa kasaysayan ng peryodismo noong panahon ng Batas Militar. Sa huli, bukod sa muling ililimbag ang TAP, magbibigay rin ng malayang pagsasalin sa naturang kasulatan.