HomeMALAYvol. 20 no. 1 (2007)

Ang Mass Media at Paaralan: Anyong Infotainment sa HIV/AIDS Advocacy (Para sa mga Nagsisimula sa Paglalabintaunin)

Roberto E. Javier Jr.

Discipline: Education, Art, Sociology, Cultural Studies

 

Abstract:

Halaw ang papel na ito sa mga ulat at karanasan ng awtor sa kanyang pagiging consultant-participant sa mga magkakasunod na proyekto't pananaliksik ng AIDS Society of the Philippines para sa kampanya sa edukasyon sa HIV/AIDS. Tinatalakay ng papel na ito ang halimbawa ng pagtatagpo ng mass media at paaralan para sa mabisang pagtuturo tungkol sa HIV/AIDS na laan para sa mga batang nasa antas ng elementarya, lalo na ang mga nagsisimula na sa paglalabintaunin (edad na nagsisimula sa 11 hanggang 19). Ang anyong infotainment (pinag-isang information at entertainment) sa pagkukwento (storytelling) ang tinularang paraan ng pagtuturo tungkol sa epidemya ng HIV/AIDS sa mga batang nasa elementarya sa mga piling pampublikong paaralang lumahok: una, sa ASP at LSPI-CIT Children's Storytelling Caravan; at, pangalawa, sa eksperimento sa pagiging epektibo ng storytelling (pagkukwento) sa edukasyon sa sakit na ito. Inilalahad dito ang ilan sa mga obserbasyon tungkol sa paggamit ng mga napapanahong anyo ng infotainment sa paghahatid ng impormasyong may aliw para maabot ang mga kabataan upang matutunan nila ang mga tamang pag-uugali para maiwasan ang nakamamatay na sakit na HIV/AIDS.