HomeMALAYvol. 23 no. 2 (2011)

“May Perang Dumadaan Lang sa Palad, Merong Padala, at May Padulas din”: Paniniwala’t Pananaw sa Pera at Palagay sa Pandaigdigang Krisis Pampinansiya = Remittance, Red Tape, Rent: Filipino Minimum Wage Earners’ Attitude About Money

Roberto E. Javier Jr.

Discipline: Economics, Finance

 

Abstract:

Inalam sa pag-aaral na ito ang mga paniniwala’t pananaw sa pera pati ang palagay sa pandaigdigang krisis pampinansiya ng mga manggagawa sa mga pangunahing sentrong urban sa Filipinas. Sa mga lungsod ng Cebu at Manila isinagawa ang sarbey sapagkat sentro ang mga ito ng malalaking populasyon at migrasyon para sa trabaho. Gamit ang paraang sarbey, pinasagutan ang talatanungan sa mga may hustong gulang na may hanap-buhay at ang sahod ay ayon sa itinatakda ng batas na ‘minimum wage’ o kaunting kita. Naging kalahok ang mga manggagawa sa pabrika ng gatas sa Metro Manila at mga trahabador naman sa shipping line sa Cebu. Hango ang datos mula sa pinasagutang talatanungan na may bahaging kwantitatibo at kwalitatibo. Ginawan ng deskriptibong istadistika ang kwantitatibong datos at bumuo ng mga kategorya para sa mga klaster ng sagot na kwalitatibo. Sa bahaging kwantitatibo ng kwestiyuner, sinang-ayunan ng mga kalahok ang mga tanong tungkol sa rason, resulta, pati posibleng pag-responde sa pandaigdigang krisis pampinansiya. Sa kwalitatibong bahagi naman, tinukoy ang prioridad para sa paggasta sa pera tulad ng pagkain, pambili ng gamot, at pambayad ng mga upa lalo pa’t sila’y nasa siyudad kung saan ang lahat ay binibili. Ayon sa kanila, ang pera ay kinikita sa trabaho kaya kailangan ng sipag at tiyaga. Ang perang kinita anila ay panlaan sa pangangailangan at panustos sa mga gastos para sa pamumuhay sa siyudad. Di kasing-kahulugan ng pamumuhay ang buhay kaya anila nga’y may higit na mahalaga sa pagkita ng pera gaya ng paggawa, pamilya’t pagmamahal. May mataas din silang pamantayan para sa pera sapagkat kaugnay anila ito ng dangal ng paggawa. Nawawalan ng bisa ang halaga ng pera, dagdag pa nila, sa katiwalian dahil nakataya dito mismo ang pagkatao. Hindi mahihigitan ng may pera ang may puri’t dangal.

 

In the context of global financial crisis, the beliefs and views about money was surveyed among Filipino minimum wage earners in prime urban cities in the country. The survey questionnaire was floated to workers in the cities of Cebu and Manila since these are centers of migration for work and are densely populated areas. Most of the participants were workers in a milk factory in Manila and in a shipping line in Cebu. The questionnaire generated quantitative and qualitative data. Descriptive statistics was used for the quantitative data and for the qualitative part categories were formed after making clusters of verbatim answers. On the quantitative part, respondents showed agreement as to the reasons and the results of the global financial crisis as well as to the probable reactions they may have to such event. Priority for spending will be on food, medicine, and housing specially that they reside in highly urbanized places where all their needs have to be bought or paid for. On the qualitative part, respondents retorted that money is earned from ones labor that requires hard work and perseverance. Hard-earned money they noted is allotted for daily needs as well as for expenses associated with living a city life. They said too that life is not synonymous to living thus they noted that there are more important concerns than just earning money such as work, family, and affection. They also have a higher standard for what earning money is really about as they associate such activity with the dignity of work. The value of money is associated with the worth of work one has actually done as for ones good and as for other’s welfare as well.